Unti-unti ng bumabalot ang kadiliman sa kapaligiran kasabay ng pagbuhos ng ulan. Andito pa rin ako sa lugar kung saan una tayong nagkita at nagkakilala. Inaalala ko ang mga sandaling tayo’y magkasama, masaya at walang pangamba. Araw-araw tayong magkasama papunta ng eskwelahan at pag-uwi’y lagi kitang hinihintay sa labas ng inyong silid-aralan upang makasabay sa pag-uwi at makinig sa iyong mga kwentong nagpapasaya sa aking puso.
Lagi kang dumadating pag tinatawag kita at lagi rin akong nandyan kung ako’y iyong kailangan. Lagi tayong nagtatawanan at gumagawa ng kalokohan. Lagi tayong tumatakas sa tuwing gusto mong maglibot sa gabi upang pagmasdan ang mga bituin. Lagi mo akong sandigan sa tuwing may nang-aapi sa iyo. Akala ko’y sapat na iyon para mabihag ko ang iyong puso.
Ngunit isang araw, dumating ang pinakamatalik kong kaibigan. Kayo’y nagkakilanlan at naging magkaibigan. Hindi ko akalaing mabibihag niya ang iyong puso na siya namang ikinadurog ng akin. Sinagot mo siya at ang masakit pa roo’y hiningi mo ang aking permiso. Kahit masakit man ay tinanggap ko iyon dahil nakikita kong mas masaya ka sa piling niya.
Isang araw, nag-away kayo at agad kang tumakbo sa akin. Sa wakas maipagtatapat ko na rin sa iyo ang nararamdaman at binalak kong yayain ka ng kasal. Bago ko pa man mailabas ang nakahandang singsing sa aking bulsa ay agad ka niyang hinila at inalok ng kasal. Hindi ko maitago ang sakit na nararamdaman sa mga oras na iyon at umalis ako ng walang pasabi.
Kaibigan ang turing niyo sa aking at sa kadahilanang iyon ay inalok niyo akong tumugtog sa oras na iyon. Unti-unting pinapatay ng pagkakataon ang aking puso habang nakikita ko kayong masaya. Pagkatapos noo’y umalis na ako sapagkat di ko na kaya ang sakit. Hanggang sa makarating ako sa lugar kung saan tayo nagkita at nagkakilala. Kasabay ng hinagpis ng aking puso ay pagbuhos ng malakas na ulan.
very sad...
ReplyDeletehehehe... nakarelate ka dude?
ReplyDeletemakapasangit.. hahaha
ReplyDeletehahaha... kailangan mo ng tissue dude?
ReplyDeleteEMO MUCH.
ReplyDeleteparang kanta,gstu mo ako kumanta?haha..joke.
everyone can relate.ouch.lols
hehehe... dude kanta ka nga... namimiss ka na namin... tnx sa pagbasa mga dude
ReplyDeleteayos!
ReplyDeletenakz!!!..ang gnda
ReplyDeletevery sad story,i know u can survive maybe that girl is not meant for u.I'm suffering a heartbreak last mos. mahirap kalimutan ang lahat dahil sa 3rd person.biglang nagbago ang lahat .i don't want to let him go.pero kailangan dahil ako rin ang nasasaktan pag hindi ko ginawa yon.Sometines love is unfair dvah para sa mga taong nagmahal ng totoo.
ReplyDelete@krystel_cuttielover526 - tnx sa pagbasa at nagandahan ka
ReplyDelete@leont - love is unfair talaga, pero ganun talaga ang buhay... may mga bagay talaga na di mo kayang panghawakan ng matagal dahil sabi nga nila walang permanente sa mundo.
huh! bakit ngay tuwing gagawa ka ng blogs puro pang heart break? aytzz.. siguro HEART BROKEN k noh. aytz... JOWK!
ReplyDeletehehehe hindi naman... peo maganda lang kasing magsulat ng mga kwentong pang BH
ReplyDelete..nia met ata json???hehehe..
ReplyDeletegood writer padin ah..
@karen: hehehe tnx a, kamusta ka nmn... di ka naman nagtetext
ReplyDeleteyay! ang sakit nman nun.. . buhay nga nman. haixts!
ReplyDeleteFive Thumbs up...
ReplyDeletewiw..idol na kita!
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletetnx makata ng timog katagalugan... :)
ReplyDeleteimbento man daytoyen....kailan pa kita inagawan ng girlfriend bwahahaha....inenglish mu na ung "paghihiganti"
ReplyDelete