Ilang araw na rin akong palakad-lakad. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan ako patutungo. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Tumakbo upang humanap ng masisilungan. Hindi ko rin maintindihan kung bakit tila hindi ko maramdaman ang pagpatak ng ulan. Sa wakas nakakita na rin ako ng masisilungan.
Ilang minute ang lumipas ng dumaan sa aking harapan ang isang babae. Wala man lang siyang kahit na ano mang pananggalang sa ulan na para bagang di niya alintana ang pagbuhos nito. Patuloy pa rin sa paglalakad ang babae at sa hindi malamang dahilan, siya’y aking sinundan.
Habang naglalakad siya ay ramdam ko ang kanyang pighati. Nais ko sanang sabayan siya sa paglalakad ngunit baka iba ang isipin niya kaya itinuloy ko na lang ang pagsunod sa kanya. Patuloy pa rin ang pagsunod ko sa kanya hanggang sa tumigil siya. Lumingon siya. Kinawayan ko siya. Akala ko magagalit siya sa akin bagkus isang ngiti ang kanyang ipinakita. Nakita ko sa kanyang mga mata ang kalungkutang hindi maikubli ng kanyang mga ngiti. Sa mga sandaling iyon, sumagi sa aking isipan na parang kilala ko ang babaeng iyon. Parang nakasama ko na siya ng matagal. Ngunit hindi ko maalala kung kalian at saan. Ni wala nga akong maalala mula sa aking nakaraan at basta nalang napunta ako rito’t palaboy-laboy.
Nagpatuloy sa paglalakad ang babae at siya pa ri’y aking sinundan hanggang sa narrating naming ang bungad ng isang himlayan. Ngayo’y malinaw na sa akin kung bakit gayon na lamang ang kanyang kalungkutan. Pumasok siya rito at napatigil sa isang banda. Napaupo ang babae habang walang humpay sa paghagulgol. Linapitan ko siya upang damayan. Mauupo na rin sana ako ng biglang tumulo ang luha mula sa aking mga mata habang tinititigan ang mga titik na nakaukit sa lapida na kanyang ipinagluluksa.
bkt ang hilig mo s mamamatay ang isa s mgsing-irog? my pinagdadaanan ka ba?
ReplyDeletekung ako sayo, iparamdam mo nalang s mga taong mhal mo kung gaano mo sila kmahal habang buhay ka pa.
mahilig lang talaga ako sa mga malulungkot na kwento... nakakatamad naman kasing magsulat ng mga masasayang kwento diba,
ReplyDelete