Site Updates:
You broke my heart but still I love you :)
02-01-11

Tuesday, November 1, 2011

Hindi ko alam

Ilang gabi ng di mapalagay. Iniisip pa rin ang mga bagay-bagay na sadyang bumabagabag sa akin. Bakit nga ba nagkaganito ang matagal ko ng pinangarap? Bakit nga ba kung kelan napasaakin ang isang bagay ay tsaka pa ito mawawala? Ano nga bang talaga ang aking gusto?

Hindi mawari ng aking isip kung bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat. Mahal ko siya ngunit di ko alam kung pano ipaglaban. Labis ko na siyang nasaktan at inisip na rin niyang maaaring ito na ang aking ganti sa nakaraan. Ngunit magkagayon man, di ko inisip na gumanti. Ngayo’y takot na ang pusong magkamali. Magkamaling muli at masaktan pa siya. Kailangan ko lang siguro ng panahon para mag-isip ngunit kung ako papipiliin, kung sasaktan ko lang din siya ay mabuting ihinto nalang siguro. Marahil hindi nga ako karapat-dapat para sa kanya. Marahil, hindi lang marahil dahil alam kong may mas hihigit na magmamahal sa kanya.

Hindi ko rin alam ang gagawin. Litong-lito pa rin ako. Pero sa mga nasabi niya, napag-isip-isip kong hindi nga ako karapat-dapat. Andami ko ring nagging pagkukulang na hindi ko na alam kung pano pa itama. Sabi nga nila ang nakaraan ay nakaraan. Ngunit bakit ganun napapaalala pa rin sa akin ang nakaraan. Unti-unti rin akong pinapatay ng konsensya ko ngayon dahil kinuha ko ang isa sa mahalaga sa kanya. Naging makasarili ako at sarili ko lang ang aking inisip. Bahala na. Mas mabuti muna ang ganito nang sag anon ay makapag-isip ng mabuti. Ayoko na sanang isulat pa ngunit hindi ko alam kung bakit ko pa isinulat. Marahil ito lang ang tangi kong takbuhan kung saan ang mga dating pantasya lamang ay naging makatotohanan na.

28 comments:

  1. pakawalan mo muna siya, ayusin mo muna kung ano man ang problema sayo. kung para kayo sa isa't-isa, kayo pa rin naman hanggang sa huli. maybe, kailangan niyo lang makita ng mundo niyo na wala ang isa't-isa.

    ReplyDelete
  2. dapat kasi nagpapakilala ang mga nagcocomment dito para makapagpasalamat ako :)

    ReplyDelete
  3. tips lang bro, pag mtgal mong pnangarap mtuto kang pahalagahan at alagaan pag nsau na at bago ka mangarap isipin mo n ang pinakamagandang pangarap na gusto mo at gawin mo lhat para mkuha at mpasayo ito habambuhay.
    sa sitwasyon mo parang ikaw ang my kasalanan, kaya dapat mong harapin ang consequences kht ang pgkwala niya ang kapalit.

    ReplyDelete
  4. i agree with Anonymous. very well said. :)

    ReplyDelete
  5. naramdaman b nyang siya ang pnapangarap mo?

    ReplyDelete
  6. I don't think so. Ewan hindi raw ata. I'm not so sure. Pero thanks na rin sa mga payo niyo. Yup tama si anonymous dapat ko ngang harapin kung ano man magiging kapalit.

    ReplyDelete
  7. pnaramdam mo b kasing siya ang pinapangarap mo?

    ReplyDelete
  8. sabi mo nga naging makasarili ka siguro naman ngaun isipin mo nman ang kasiyahan niya dahil tulad ng sbi mo masyado mo n siyang nasaktan. babalik din yan

    ReplyDelete
  9. ang yelo pag npabayaan s labas ng ref ntutunaw at nagiging tubig pero ang tubig pwede ulit maging yelo, un e kung gusto mo pang ibalik s loob ng ref. got the point?

    ReplyDelete
  10. so ibig mong sabihin, may chance?

    ReplyDelete
  11. my chance, lagi nmang may chance! ang tanga mo pre at hnyaan mong magkagulo ang lhat pnangarap mo tapos pinabayaan mo lang, NAMAN! maybe you need to see urself without her or vice versa. hayaan mo siyang iexplore ang mundo niya for the mean time. maybe he needs another man for her to realize na ikaw este kayo ang dapat.

    ReplyDelete
  12. ah... okay I'll do that kung ganun nga. Ansipag mo atang magreply dito, kilala ba kita tol?

    ReplyDelete
  13. i know a couple na they broke up 4 how many years, nagkaroon sila ng relationships sa iba pero yung love nila s isa't-isa hndi nman tlga nwala at the end sila parin ang ngpakasal. everything that was done wrong before and lessons learned made their relationship a perfect one ngaun.

    ReplyDelete
  14. sbhin nalang ntin na nkarelate ako s post mo. at pag nbgyan k ng another chance, don't waste it! itama m n ang dapat itama at baguhin n ang mga pangit. make her fall in love with you for the rest of your life.

    ReplyDelete
  15. Ah..see okay, accepted. Sige I'll do that

    ReplyDelete
  16. pero handa k n bang mkita syang msaya sa iba?

    ReplyDelete
  17. anonymous ntry mu n cguo ano kya my lman yang mga payo mo??

    ReplyDelete
  18. Kung wala na akong magagawa pa edi paghahandaan ko nalang. Come what may nalang, di ko hawak desisyon niya. Kung magiging masaya siya sa piling ng iba, masaya na rin ako para sa kanya.

    ReplyDelete
  19. yan na ang pinakatangang sagot n mssbi mo skniya. bkt hindi ba pwedeng maging msaya siya s piling mo?

    ReplyDelete
  20. handa ka na sigurong magmahal ng iba or baka may iba ka na kaya ganyan ang sagot mo.

    ReplyDelete
  21. Ang gugulo niyo naman, ang gulo na nga lang ng utak ko lalo pang gumugulo. OO na nga tanga na ako. Ok na?

    ReplyDelete
  22. haha, tlgang ganyan iba-iba ang opinyon but u must accept all of it. reflection lng yan ng mga nagawa mo... kung nasaktan ka s katotohanan, mas nasaktan siya.

    ReplyDelete
  23. oo na. oo na. ewan. bahala na. yun lang masasabi ko. marami rin akong ibang mga iniisip kaya magulo pa utak ko.

    ReplyDelete
  24. eto tol kathang isip din?

    ReplyDelete
  25. bakit hindi ba siya kasali sa mga iniisip mo? hindi ba siya mahalaga sayo?

    ReplyDelete
  26. Ikaw ang iniisip ko kung sino ka nga ba anonymous dahil may hinala na ako kung sino ka. Bwahaha

    ReplyDelete
  27. Ganyan lang talaga ang mga taong naghahanap ng pagpapahalaga. Pero naiinis ako sa mga ganyan, dapat sa mga masyadong epal, iniiwan tol. Hahahaha

    ReplyDelete