Umuulan na. Sumilong ako sa puno malapit sa tinakda kong tagpuan. Palakas ng palakas ang pagbuhos nito. Sa aking isipa’y nabuo ang kawalan ng pag-asang ako’y iyong sisiputin pa. Marahil hindi ka na nga makakarating pa. Magkagayon ma’y umaasa pa rin akong makakarating ka kahit sa tingin ko’y wala nang kahahantungan ang paghihintay kong ito.
Dumidilim na. Wala ka pa rin. Hindi ako makapaniwalang hindi ka darating dahil napakabilis naman para sa iyo na balewalain ang matagal nating pinagsamahan. Nawalan na rin ng pag-asa ang puso kong naghihintay sa iyong pagdating kaya nama’y napagpasyahan kong umalis na lamang. Tumila na rin sa wakas ang ulan at nagsimula na akong maglakad palayo sa ating tagpuan. Nangangahulugan lamang ito na bigo akong ayusin ang ating relasyon. Nangangahulugan lamang ito ng iyong pagbitiw sa ating sinumpaan. Wala na.
Habang naglalakad ay sinariwa ko ang mga araw na tayo’y masayang naglalakad patungo sa eskwela. Mga alaala na nais kong balikan kung may pagkakataon lamang. Bumalik sa aking diwa ang mga oras na tayo’y nag-aaway at nagkakabati rin agad dahil sa hindi natin matiis ang isa’t isa. Naalala ko rin ang mga araw na magkasama tayo at ginugunita ang ating mga nagawa sa nakalipas. Wala na talagang pag-asa pa ang tangi kong nasambit sa sarili. Hindi ka na babalik sa akin. Naiwan na lamang akong mag-isa. Ngayo’y punung-puno ng kalungkutan ang aking puso sapagkat wala ka na. Wala ng magpapasaya sa oras ng kalungkutan. Wala na rin ang laging andiyan kung kailangan ko ng masasandalan at isang kaibigan na hinding hindi nang-iiwan. Sinayang ko ang lahat at ngayon nga’y wala ka na.
wala na ba talaga o kathang isip lang?
ReplyDeleteAnong WaLA na??? mERon pa... akala mo lang yun
ReplyDeleteang kukulit naman... may magcocomment ng kathang isip meon ung akala ko lang daw ay ewan
ReplyDeleteedi wag kang magpost ng blog kung ayaw mong my nacocoment na mkulit... besides ano nga ba talga?
ReplyDeleteanong ano? di kita gets
ReplyDelete