Chapter 11: Si Icy at ang Propesiya
“Rick, bilisan mo dyan malalate na tayo!” “Oo ,andyan na nagbibihis nalang!” “Kahit kelan talaga ambagal mo.” “Ayan, tapos na ako. Tara na!” “Antagal mo naming magbihis.” “Siyempre, nagpapapogi.” “Hay naku, di porke’t may Jenny ka na, este Icy pala.”“Eto na naman tayo. Madam Alice, ilang beses ko nap o bang sinabi na wala akong gusto sa kanila, kaibigan lang ang turin ko sa kanila.” Muli kong naisip si Ana. Hanggang ngayon ay siya pa rin ang nilalaman ng aking puso. Matagal na siyang pumanaw at kahit na muli siyang nagbalik ay alam ko namang darating ang araw na aalis din siya. Hindi ko nga lang alam kung kelan at tanging hiling ko lamang ay magpakita na ulit siya sa akin. “Saan na kaya si Ana? Bakit hindi na siya sumasanib kay Jenny? Maalala ko nga pala Alice, bakit hindi pa pumapasok si Jenny? May sakit ba siya?” “Aba malay ko, ilang araw na nga siyang wala sa klase eh.”
Nagpatuloy ang paglalakad naming ni Alice. Halos wala na akong naiintindihan sa mga pinagkwekwento niya dahil ang nasa isip ko ay si Ana. “Ano kaya ang mangyayari sa kanya kapag nagawa kong pigilan ang huling pag-aalay?” Marami pa ring bumabagabag sa aking isipan pero desidido na akong tapusin na ito nang sag anon ay bumalik na sa normal ang lahat. Nawala ang aking konsentrasyon nang tapikin ako ni Alice. “Si Icy mo!” “Ah… si Icy nga. Tawagin na natin para sumabay na siya sa atin. Mas marami mas masaya!” “Sus, sabihin mo para maging masaya ka!” “Nagseselos ka ba?” “Oo, bakit masama?” Natigilan ako sa sinabi ni Alice dahil sa tingin ko ay seryoso siya sa kanyang sagot kahit na pabiro lang ang aking tanong. Hindi maaaring maging kami dahil si Ana lang ang aking mahal at higit sa lahat, siya ang pinakamatalik na kaibigan ni Ana. Isa pa, kapatid lamang ang turing ko sa kanya. “Joke! Eto naman masyadong seryoso! Akala mo siguro seryoso ako no.” Humalakhak ng malakas si Alice at napasabay na rin ako. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niyang iyon.
“Icy, sumabay ka na sa amin ni Rick!”, pagyayaya ni Alice. “Sige ba. Salamat ha. Medyo natatakot kasi akong maglakad mag-isa.” “Bakit naman?”, pag-uusisa ni Alice. “Kasi…” Hinila ko si Icy at kinausap. “Huwag mong sasabihin kay Alice yung tungkol sa nangyari kahapon, please! Mag-aalala yun ng labis kaya hindi ko na sinabi.” “Ah, ganon ba. Sige hindi ko na sasabihin sa kanya.” “Ok ka na ba? Pano yung mga sugat mo? Huwag mong piliting pumasok kung di mo pa kaya.” “Ayos lang ako tsaka wala akong gagawin sa bahay. Baka lalo lang lumala to kung hihiga at uupo lang ako ng buong araw. Matanong ko lang, sino ba yun? At pano mo siya mo siya napatay eh hinawakan mo lang naman siya.” “Ah, eh… nagkamali ka lang siguro ng kita o baka namalikmata ka lang. At paano namang mamamatay ang isang tao sa isang hawak lang? Nagdedeliryo ka naman na ata nun. Tsaka sabi ng mga pulis, inatake siya sa puso kaya siya namatay. Marahil sinuswerte lang ako nung araw na iyon at oras na talaga nung taong iyon.” “Hindi ako pwedeng magkamali. Kitang kita ko ang galit sa iyong mga mata habang nakahawa ka sa kanya. Parang kamay ni kamatayan ang humawak sa kanya at unti-unting naupos na parang kandila ang kanyang buhay. Marahil totoo nga ang nakasaad sa propesiya.” “Propesiya ba kamo? Bakit mo alam ang tungkol sa propesiya? Sino ka nga bang talaga?” Naputol ang aming pag-uusap nang biglang sumingit si Icy. “Ano, di pa ba tapos ang lambingan niyong dalawa?” “Si Alice talaga palabiro, o tara na Rick! Itutuloy na natin mamaya ang ating pag-uusap.”
No comments:
Post a Comment