Site Updates:
You broke my heart but still I love you :)
02-01-11

Monday, December 12, 2011

Babae sa Parke

Isang magandang umag ang tumambad sa akin mula sa isang mahimbing na pagkakatulog. Agad akong nagpalit ng damit upang lumabas at makalanghap ng sariwang hangin. Napakaaliwalas ng paligid at lahat ng makita kong taong dumadaan ay may ngiti sa kanilang mga labi. Nagpasya akong maglakad lakad muna kahit saglit lang. Sa aking paglalakad ay nadaanan ko ang parke na lagi kong pinupuntahan kapag  gusto kong mapag-isa. Naisipan kong magpahinga muna doon. Sa aking pag-upo ay napansin ko ang isang babae sa di kalayuan. Bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan. Nilapitan ko siya.

Umupo ako sa tabi niya. Nakipagkilala ako sa kanya. Kahit na anong sabihin ko ay hindi siya nagsasalita kaya nama’y napagpasyahan kong umalis na lamang at hayaan na lang siyang mapag-isa. Sa aking pagtayo ay tinawag niya ako. Bumalik ako sa aking kinauupuan. Inabot ko ang aking kamay bilang tanda ng pakikipagkaibigan ngunit di niya ito tinanggap. Tinanong ko ang kanyang pangalan ay agad naman siyang tumugon. Tinanong ko siya kung bakit siya mag-isa at malungkot na nakaupo rito sa parke. Ikwenento naman niya ang dahilan. Iniwan daw siya ng lalaking kanyang mahal sa araw mismo ng kanilang kasal. Hindi nito pinanagutan ang kanyang responsibilidad. Mahal na mahal niya ito at ginawa niya ang lahat para lang mapasaya ito ngunit sa bandang huli’y kabiguan lamang ang isusukli nito sa kanya. Habang nagkwekwento ay umagos mula sa kanyang mga mata ang mumunting butil ng luha. Dama ko ang kalungkutan habang nagkwekwento. Naawa ako sa kanyang sitwasyon at maging sa kanyang dinadala. Naisipan kong bilhan siya ng makakain at baka nagugutom na ito kaya nama’y nagpaalam ako upang bumili. Pagkatapos kong bumili ay bumalik ako agad ngunit wala na siya. Bigla nalang siyang umalis. Nag-alala ako sa kanya kaya nama’y hinanap ko siya. Nagtanung-tanong ako sa mga tao sa paligid ngunit walang nakakakilala sa kanya. Kaya’t nagpasya akong pumunta sa simbahan, nagbabakasakaling nandoon siya. Tinanong ko ang pari na aking nakita. Kilala niya ang babaeng aking tinutukoy. Kinumpirma niya na iniwan nga siya ng lalaki sa araw ng kanilang kasal at dahil sa labis na kalungkutan ay nagpakamatay ito. Sa katunayan nga ay katatapos lamang ng misa nito para sa libing bago pa man ako dumating. Magkahalong kilabot at awa ang naramdaman ko sa nalaman. Magkagayun ma’y sana matagpuan niya at ng kanyang anak ang kapayapaan na sa kabila ng kabiguan ay matatamo ang katahimikan.

Friday, December 9, 2011

Pangako



Malakas ang buhos ng ulan. Mabuti na lamang at nakahabol pa ako sa huling biyahe ng jeep. Siksikan at halatang pagod ang aking mga kasabay. Maging ako ma’y pagod din galling sa trabaho at pagkatapos ay nagpunta sa isang bilihan ng mga palamuti sa katawan upang bilhin ang pinangakong singsing para sa kanya. Habang hawak ko ang singsing ay nagbalik tanaw ako sa aming nakaraan. Marami na ring pagsubok ang dumating sa aming ngunit nanatili kaming matatag dahil nalalampasan naman naming to. Siya na ang para sa akin, ang sambit ko sa sarili. Masaya ako sa tuwing kasama siya. Araw-araw ay siya lamang ang hanap ko at gusto ko sa paggising ko ay siya ang una kong makita. Pinangakuan ko siya ng kasal at ngayon ngay handa na ako upang hingin ang matamis niyang pagsang-ayon. Handa na ako upang harapin ang bukas na kasama siya at bumuo ng isang masayang pamilya. Siya na nga talaga ang nais kong iharap sa altar upang makasama ko sa hirap at ginhawa.

Maya-maya ay napatitig ako sa mga kasama kong nakasakay sa jeep. Bakit ganun na lang ang aking naramdaman ng makita ko sila. Halos hindi ko maaninag ang kanilang mga mukha. Hindi ko nalang pinansin ang aking nakita at tumingin nalang ako sa labas. Malakas pa rin ang buhos ng ulan at halos hindi na makita ang dinadaanan. Ewan ko ba kung bakit kung kalian ko pa gustong ibigay to sa kanya ay siya namang lakas ng buhos ng ulan. Parang sinasadya ata na hindi ko to mabigay ngayon ngunit ayokong magpatalo. Ibibigay ko pa rin ito sa kanya kahit na anumang mangyare.

Ilang minuto ang lumipas nang biglang nagsisisigaw ang drayber ng jeep. Nawalan ng preno ang sinasakyan kong jeep. Tuluyan ng nawalan ng kontrol ang jeep at nahulog sa bangin. Sobrang sakit ng naramdaman ng aking buong katawan hanggang sa mawalan ako ng malay. Nang magising ay naramdaman ko nalang ang dugong nanggagaling sa aking ulo na sanhi na marahil ng pagkabagok nito. Inilabas ko ang singsing mula sa aking bulsa. Naluha ako. Mukhang hindi ko na matutupad ang pangako ko sa taong aking pinakamamahal. Maya-maya pa’y nakaramdam na ako ng panghihina hanggang sa unti-unti nang nilamon ng kadiliman ang kaunting liwanag na aking nakikita. 

Monday, December 5, 2011

Wala na

Umuulan na. Sumilong ako sa puno malapit sa tinakda kong tagpuan. Palakas ng palakas ang pagbuhos nito. Sa aking isipa’y nabuo ang kawalan ng pag-asang ako’y iyong sisiputin pa. Marahil hindi ka na nga makakarating pa. Magkagayon ma’y umaasa pa rin akong makakarating ka kahit sa tingin ko’y wala nang kahahantungan ang paghihintay kong ito.

Dumidilim na. Wala ka pa rin. Hindi ako makapaniwalang hindi ka darating dahil napakabilis naman para sa iyo na balewalain ang matagal nating pinagsamahan. Nawalan na rin ng pag-asa ang puso kong naghihintay sa iyong pagdating kaya nama’y napagpasyahan kong umalis na lamang. Tumila na rin sa wakas ang ulan at nagsimula na akong maglakad palayo sa ating tagpuan. Nangangahulugan lamang ito na bigo akong ayusin ang ating relasyon. Nangangahulugan lamang ito ng iyong pagbitiw sa ating sinumpaan. Wala na.

Habang naglalakad ay sinariwa ko ang mga araw na tayo’y masayang naglalakad patungo sa eskwela. Mga alaala na nais kong balikan kung may pagkakataon lamang. Bumalik sa aking diwa ang mga oras na tayo’y nag-aaway at nagkakabati rin agad dahil sa hindi natin matiis ang isa’t isa. Naalala ko rin ang mga araw na magkasama tayo at ginugunita ang ating mga nagawa sa nakalipas. Wala na talagang pag-asa pa ang tangi kong nasambit sa sarili. Hindi ka na babalik sa akin. Naiwan na lamang akong mag-isa. Ngayo’y punung-puno ng kalungkutan ang aking puso sapagkat wala ka na. Wala ng magpapasaya sa oras ng kalungkutan. Wala na rin ang laging andiyan kung kailangan ko ng masasandalan at isang kaibigan na hinding hindi nang-iiwan. Sinayang ko ang lahat at ngayon nga’y wala ka na.

Monday, November 21, 2011

Gabi

Unti-unti ng nilalamon ng dilim ang natitirang liwanag sa kalangitan at hudyat na rin ng isang gabing wala ka na naman sa aking piling. Hindi ko na kaya pang mag-isa pa sapagkat ikaw lamang ang aking tinatangi. Sobrang pighati ang aking naramdaman nung ika'y nagdesisyong lumayo sa akin. Gusto ko mang pigilan ang iyong paglayo ay wala rin akong nagawa.

Ilang gabi na rin akong nangungulila sa iyong mga yakap. Ang mga kwento mong dating masakit ng pakinggan dahil paulit-ulit ay siya naman ngayong hinahanap hanap. Ang iyong mga ngiti na kay sarap pagmasdan ay nais ko ulit makita. Nasaan ka na nga ba aking irog?

Puso ko'y hinahanap hanap ka. Hanggang ngayon ay nagbabakasakaling babalik ka pa sa akin. Walang oras na hindi kita inisip na kahit ngayo'y walang kwentang usapan ay hanap makausap ka lamang. Hindi ko na kaya pang mawalay pa sa iyo. Ikaw lang ang aking pinangarap at ikaw lang ang aking papangarapin. Magbalik ka lang, magiging masaya na ulit ang puso kong nangungulila. Mahal kita at iyon at iyon lang ang aking masasabi dahil ikaw lang ang mundo ko ang siyang kumumpleto sa aking pagkatao.

Tuesday, November 8, 2011

Tala




Una palang kitang makita, ako’y nabighani na. Sa taglay mong katangian , ako’y lubos na humanga. Hindi lang sa anyong pisikal, kundi sa kagandahan din ng iyong kalooban. Taglay mong kinang ay kaakit-akit sa aking mga mata na sa tuwing ako’y pipikit ay mukha mo lang ang aking nasisilayan.

Ngunit sadyang may mga bagay lamang na hinding-hindi talaga mapapasaakin kahit na ano mang gawin ko sapagkat ika’y meron ng tinatangi. Batid man ng puso kong may mahal ka na ay andito pa rin ako pinagmamasdan ka mula sa malayo. Binabantayan ang bawat kilos mo nang sa ganun ay alam ko kung masaya ka o hindi. Masakit mang makita ka kasama niya ay kinakaya ko. Ganito talaga siguro kung mahal mo ang isang tao, sapat nang makita mo siyang masaya at hindi lumuluha.

Kung meron man akong isang kahilingan, hihilingin ko ang iyong puso kahit isang araw lang. Nang sa ganon ay maramdaman ko man lang ang iyong pagmamahal. Nang sa ganon ay maging abot ko na ang talang aking pinapangarap, na kahit sa isang araw lang ay sumaya ang puso kong sabik sa iyong pagmamahal. Ngunit sadyang malupit sa akin ang tadhana. Habang lumilipas ang mga araw ay patuloy ang paglayo sa akin ng aking tala. May mga pagkakataon ding naiisip ko na marahil hindi ko na siya maaabot. Hanggang sulyap na lang ang aking magagawa. Magkagayon ma’y, hindi pa rin nawawala ang aking mga mata sa kinang na taglay ng aking tala. Siya lang ang aking pag-ibig at mamahalin sa aking talambuhay. Siya lang ang kaisa-isang talang magbibigay liwanag sa mga oras ng kapighatian at dalamhati. Siya lang ang aking pangarap na maabot at wala ng iba. Wala na akong ibang titingnan pa kundi ang talang ito lang na siyang una kong pag-ibig. Siya lang ang talang aking pagmamasdan na kahit sa malayo ay sana’y madama niya na may isang taong laging nag-aabang at naghihintay na bumaba ang tala upang aking maabot.

Tuesday, November 1, 2011

Hindi ko alam

Ilang gabi ng di mapalagay. Iniisip pa rin ang mga bagay-bagay na sadyang bumabagabag sa akin. Bakit nga ba nagkaganito ang matagal ko ng pinangarap? Bakit nga ba kung kelan napasaakin ang isang bagay ay tsaka pa ito mawawala? Ano nga bang talaga ang aking gusto?

Hindi mawari ng aking isip kung bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat. Mahal ko siya ngunit di ko alam kung pano ipaglaban. Labis ko na siyang nasaktan at inisip na rin niyang maaaring ito na ang aking ganti sa nakaraan. Ngunit magkagayon man, di ko inisip na gumanti. Ngayo’y takot na ang pusong magkamali. Magkamaling muli at masaktan pa siya. Kailangan ko lang siguro ng panahon para mag-isip ngunit kung ako papipiliin, kung sasaktan ko lang din siya ay mabuting ihinto nalang siguro. Marahil hindi nga ako karapat-dapat para sa kanya. Marahil, hindi lang marahil dahil alam kong may mas hihigit na magmamahal sa kanya.

Hindi ko rin alam ang gagawin. Litong-lito pa rin ako. Pero sa mga nasabi niya, napag-isip-isip kong hindi nga ako karapat-dapat. Andami ko ring nagging pagkukulang na hindi ko na alam kung pano pa itama. Sabi nga nila ang nakaraan ay nakaraan. Ngunit bakit ganun napapaalala pa rin sa akin ang nakaraan. Unti-unti rin akong pinapatay ng konsensya ko ngayon dahil kinuha ko ang isa sa mahalaga sa kanya. Naging makasarili ako at sarili ko lang ang aking inisip. Bahala na. Mas mabuti muna ang ganito nang sag anon ay makapag-isip ng mabuti. Ayoko na sanang isulat pa ngunit hindi ko alam kung bakit ko pa isinulat. Marahil ito lang ang tangi kong takbuhan kung saan ang mga dating pantasya lamang ay naging makatotohanan na.

Tuesday, October 25, 2011

Singsing


Excited na akong ipakita itong dala kong singsing. Nais ko na ring lumagay kami sa tahimik. Ilang buwan ko na rin itong pinag-iipunan at saw akas hawak ko na ang magiging patunay ng aking pagmamahal sa kanya.

Dumating na ako sa aming tagpuan. Wala pa siya kaya nama’y nagtiyaga akong maghintay upang yayain na siya ng kasal. Maya-maya pa ay natatanaw ko na siya. Agad akong tumayo upang salubungin siya. Niyakap ko siya ng mahigpit nang maramdaman ko ang luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata. Tinanong ko siya kung ano ang problema. Nang malaman ko ang dahilan ng kanyang pagtangis ay parang kandilang naupos ang aking puso nang sabihin niyang hindi na niya ako mahal at may mahal na siyang iba. Sa katunayan ay inihahanda na raw ang pag-iisang dibdib nila ng lalaking kanyang minamahal. Hindi ako makakilos at makapagsalita sa oras na iyon. Nais kong tanungin kung bakit niya nagawa sa akin iyon ngunit hindi ko nagawa dahil umalis siya agad.

Labis na kalungkutan ang aking naramdaman. Itinago ko ang singsing na tanging alaala ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi koi to maitapon-tapon dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ko para sa kanya. Walang araw na hindi ko siya naiisip at tanging hiling ko lamang ay ang kaligayahan niya sa piling ng kanyang mahal.
Ilang buwan na rin ang lumipas mula noong araw na iyon. Hanggang nayon ay siya pa rin ang laman ng aking isipan. Naaalala ko pa rin an gaming mga pinagsamahan at mga pinagdaanan na siyang nagpatibay ng aming pagsasama.

Isang araw, may natanggap akong tawag mula sa kanyang ina. Pinapapunta ako sa kanila. Agad naman akong nagtungo sa lugar na kanyang sinabi. Pagdating ko doon ay nahabag ako sa aking nakita. Nakarata’y siya dahil sa malubhang karamdaman. Hindi pala siya nagpakasal at hanggang ngayon ay ako pa rin ang linalaman ng kanyang puso. Niyakap ko siya ng mahigpit at sinabing magpapakasal kami. Sa kabila ng kanyang kalagayan ay sumumpa kami sa Maykapal na kami’y magsasama sa hirap at ginhawa hanggang kamatayan. Pagkatapos noo’y isinuot ko na ang singsing na aking itinago para sa kanya. Sa mga sandaling iyon, hindi ko pinagsisisihan na naghintay ako sa kanya dahil siya lang ang aking mahal at siya lang ang babaeng gusto kong makasama na kahit sa konting panahon ay masasabi kong nagawa rin naming sumumpa sa harap ng Lumikha. Ilang sandali ang lumipas, sumaklob na ang kadiliman at tuluyan nang nilamon ang kaunting ilaw ng pag-asa na aming nakita. 

Monday, October 10, 2011

Dalamhati


Ilang araw na  rin akong palakad-lakad. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan ako patutungo. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Tumakbo upang humanap ng masisilungan. Hindi ko rin maintindihan kung bakit tila hindi ko maramdaman ang pagpatak ng ulan. Sa wakas nakakita na rin ako ng masisilungan.
Ilang minute ang lumipas ng dumaan sa aking harapan ang isang babae. Wala man lang siyang kahit na ano mang pananggalang sa ulan na para bagang di niya alintana ang pagbuhos nito. Patuloy pa rin sa paglalakad ang babae at sa hindi malamang dahilan, siya’y aking sinundan.
Habang naglalakad siya ay ramdam ko ang kanyang pighati. Nais ko sanang sabayan siya sa paglalakad ngunit baka iba ang isipin niya kaya itinuloy ko na lang ang pagsunod sa kanya. Patuloy pa rin ang pagsunod ko sa kanya hanggang sa tumigil siya. Lumingon siya. Kinawayan ko siya. Akala ko magagalit siya sa akin bagkus isang ngiti ang kanyang ipinakita. Nakita ko sa kanyang mga mata ang kalungkutang hindi maikubli ng kanyang mga ngiti. Sa mga sandaling iyon, sumagi sa aking isipan na parang kilala ko ang babaeng iyon. Parang nakasama ko na siya ng matagal. Ngunit hindi ko maalala kung kalian at saan. Ni wala nga akong maalala mula sa aking nakaraan at basta nalang napunta ako rito’t palaboy-laboy.
Nagpatuloy sa paglalakad ang babae at siya pa ri’y aking sinundan hanggang sa narrating naming ang bungad ng isang himlayan. Ngayo’y malinaw na sa akin kung bakit gayon na lamang ang kanyang kalungkutan. Pumasok siya rito at napatigil sa isang banda. Napaupo ang babae habang walang humpay sa paghagulgol. Linapitan ko siya upang damayan. Mauupo na rin sana ako ng biglang tumulo ang luha mula sa aking mga mata habang tinititigan ang mga titik na nakaukit sa lapida na kanyang ipinagluluksa.

Monday, October 3, 2011

Paglisan

Unti-unti ng tumitila ang ulan. Binitiwan mo na rin ang aking mga kamay at nagpasyang umalis na. Wala na akong magawa kundi ang pagmasdan ka habang papalayo mula sa aking kinatatayuan.

Pinilit kong isalba ang ating relasyon ngunit hindi ko na kaya pang pigilan ang iyong paglisan. Sinabi mong wala ka ng nararamdaman para sa akin at mayroon ka ng iba. Masakit man sa akin ay hindi pa rin nagbago ang aking pagtingin. Ikaw lamang ang iniibig ko ng ganito at sa iyo ko lang naramdaman ang kakaibang saya.
Hanggang ngayo’y umaasa pa ring lilingunin mo pa ako at nagbabakasakaling magbabago pa ang iyong isip. Hanggang ngayo’y umaasa pa rin akong kahit konti man lang ay may natitira pa rin akong puwang sa puso mo.

Bumuhos uli ang malakas na ulan at hindi na kita matanaw. Hindi ko namalayang tumulo na ang kanina pa’y nabuong luha sa aking mga mata. Malamig man ay hindi ko ito alintana dahil sa sakit na aking nadarama. Tinangi kita at minahal ng sobra ngunit sa isang iglap ay bigla mo akong iniwan. Wasak ang puso ko sa pagkakataong ito at hindi ko alam kung paano ako babangong muli. Siya ang una kong mahal at siya rin ang una kong kasawian. Ayoko ng umalis pa sa aking kinatatayuan at umaasa pa ring babalikan niya ako. Tanging hangad ko lamang sa mga sandaling ito ay ang kanyang yakap upang kahit papaano’y maibsan ang nadaramang ito.

Wednesday, September 14, 2011

Kaibigan

Unti-unti nang humihilom ang sugat na dulot ng nakaraan. Wala na rin ang sakit na dati'y pumapatay sa buo kong katauhan. Nalampasan ko na nga ang kasawiang bunga ng iyong paglisan.

Pinilit kong bumalik ka sa akin ngunit wala akong nagawa. Agad kang lumisan at hindi na muling nagpakita pa. Akala ko'y katapusan na ng aking buhay mabuti nalang at andiyan ang isang kaibigan na nagpaintindi sa akin ng tunay na kahulugan ng buhay. Tinulungan niya akong bumangon mula sa pagkakalugmok kong iyon. Binigyan niya ako ng lakas ng loob upang magpatuloy. Hindi niya ako iniwanan sa gitna ng aking pagtataboy sa kanya at pagpupumiglas sa anumang payo niya bagkus nagtiyaga siyang ako'y intindihin.

Sa paglipas ng mga araw ay naintindihan ko rin ang mga pinagsasabi niya sa akin. Bawat katagang lumalabas sa kanyang bibig ay talagang isinasaisip ko. Napagtanto kong hindi lamang ikaw ang rason kung ba't ako nabubuhay. Hindi lamang sa iyo dapat umikot ang aking mundo. Ipinaintindi niya sa akin ang mga bagay bagay na hindi ko mabatid. Siya ang nagtangi sa akin sa kabila ng pagtanggi ko sa kanyang nararamdaman para sa akin.

Sana siya nalang ang minahal ko at hindi ikaw. Hindi ko inintindi ang nararamdaman niya para sa akin dahil ikaw ang pinili ko. Isinakripisyo ko ang aming pagkakaibigan para sa iyo . Ngunit kung sino pa ang tinulak ko palayo sa akin ay siya ngayong laging andiyan para sa akin. Hindi pa man handa ang aking puso upang umibig muli ay sana mabuksan ko ito ng masuklian ko man lang ang pagmamahal na pinapakita niya sa akin. Hindi man ngayon ay darating din ang panahon na matututunan ko rin siyang mahalin dahil sa kabila ng aking kasawian ay andiyan siya para pasanin ang sakit na nararamdaman.

Wednesday, August 31, 2011

Hinagpis

Kanina pa ako naghihintay rito, wala ka pa rin. Hinanap na kita sa lahat ng pwede mong puntahan ngunit hindi kita nahagilap. Saan ka na nga ba? Iniwan mo na ba akong nag-iisa? Sana ay magbalik ka na dahil hindi ko na kaya pa itong kalungkutang nadarama ngayon. Nangungulila na ako ng lubos sa iyo. Hindi ko na alam ang aking gagawin kong mawawala ka sa aking buhay. Ikaw ang nagpapasaya sa akin tuwing ako ay malungkot. Ikaw ang nagbibigay ng liwanag sa aking isip sa mga panahong ako'y nasa kadiliman. Ikaw ang nagbibigay sa akin ng lakas sa oras ng aking kahinaan.

Pero bakit bigla ka nalang nawala ng walang paalam? Ang sumpaan natin ay walang iwanan ngunit nasaan ka ngayon? Namumugto na ang aking mga mata at paos na rin ako ngunit hindi sumagi sa isip ko na hanapin ka at hanggang ngayon ay nagbabakasakaling babalik ka pa.

Ilang araw na rin ang lumilipas, ni anino mo ay di ko naaninag. Hindi mo ba batid ang pighating nararamdaman ko ngayon? Ang hinagpis ng isang pusong iniwan sa hindi malamang dahilan. Ansakit na, parang hindi ko na kaya. Kailan ka magbabalik sa aking piling? Kailan ko muling mararamdaman ang iyong mga yakap at halik? Kailan ko ulit makikita ang maaliwalas mong mukha?

Isang araw, isang balita ang aking narinig. Isang hindi pa makilala na bangkay ang natagpuan malapit sa inyong tinitirhan. Bumilis ang pintig ng aking puso at labis ang aking pag-aalala. “Diyos ko, wag naman sana”, ang tangi kong nasambit. Pinuntahan ko ang lugar na iyon at labis ang paghihinagpis ng aking puso ng makita ang kwintas na suot ng biktima. Hindi ako nagkakamali, siya na nga iyon. Anong sakit ang mawalan ng minamahal lalo pa't kalunus-lunos ang kanyang sinapit. Napakawalang puso ng gumawa nito sa aking mahal. Hindi man lang siya naawa. Para akong sinakluban ng langit at lupa sa pagkakataong iyon. Sa ganung kalagayan ng aking mahal ay nagawa ko siyang hagkan pagkat siya lang ang aking tinatangi at mahal.

Friday, July 15, 2011

Lihim na Pag-ibig



          Ilang araw na rin ang nakakaraan mula nang maramdaman ko ito. Noong una akala ko wala lang ito ngunit sa paglipas ng mga araw unti-unti kong napagtatanto sa sarili ko na mahal na kita. Sinubukan kong pigilan ang nararamdamang ito ngunit habang nagpupumilit akong huwag intindihin ay lalo lamang itong tumitindi.

          Pinilit kong iwasan ka ngunit kahit anong gawin kong pag-iwas ay lalo lamang kitang iniisip. Sa tuwing nagigising ako sa kalagitnaan ng gabi ay ikaw ang aking naiisip at maging sa aking mga panaginip ay lagi kang andoon. Ano na nga lang ba ito? Ilang ulit ko ng sinabi sa aking sarili na hindi kita pwedeng mahalin ngunit heto pa rin ako naghihintay pa rin sa iyo.

         Gusto kong aminin sa iyo ang nararamdaman ngunit hindi ko alam kong paano gagawin. Lagi kong inaalala ang magiging reaksiyon mo kong sakaling sabihin ko man. Ayokong iwasan mo ako at mas lalong ayokong masira ang ating pagkakaibigan. Gagawin ko ang lahat upang hindi ito masira. Kung kinakailangang itago ko na lamang ang nararamdamang ito habambuhay ay gagawin ko kahit na kapalit pa nito'y labis na kirot sa aking puso.

         Mahal kita at dito ko lamang ito masasabi. Wala akong lakas ng loob na sabihin sa iyo ng harapan. Kung may isa man akong kahilingan, hihilingin ko na sana pwede kitang mahalin. Nahihirapan na ako sa pagtatago nito. Akala ko'y bato na ang aking puso at hinding-hindi na magmamahal pa, ngunit heto ako ngayon nagmamahal muli at sa pagkakataong ito'y iba ang naging epekto sa akin. Ito ang unang pagkakataong nagmahal ako ng ganito. Kung maaari lang sana kalimutan ang lahat ng ito upang hindi ko na maramdaman ang sakit na ito ay ginawa ko na. Ang hirap ng ganitong sitwasyon. Sana, kung may susunod mang buhay tangi ko lang hiling sa Maykapal ang sana'y maaari kitang mahalin ng hindi nagtatago sa ilalim ng isang maskara. Malayang naihahayag ang tunay na damdamin at malayang makasama ka.

Saturday, June 25, 2011

Paghihiganti 11



Chapter 11: Si Icy at ang Propesiya

“Rick, bilisan mo dyan malalate na tayo!” “Oo ,andyan na nagbibihis nalang!” “Kahit kelan talaga ambagal mo.” “Ayan, tapos na ako. Tara na!” “Antagal mo naming magbihis.” “Siyempre, nagpapapogi.” “Hay naku, di porke’t may Jenny ka na, este Icy pala.”“Eto na naman tayo. Madam Alice, ilang beses ko nap o bang sinabi na wala akong gusto sa kanila, kaibigan lang ang turin ko sa kanila.” Muli kong naisip si Ana. Hanggang ngayon ay siya pa rin ang nilalaman ng aking puso. Matagal na siyang pumanaw at kahit na muli siyang nagbalik ay alam ko namang darating ang araw na aalis din siya. Hindi ko nga lang alam kung kelan at tanging hiling ko lamang ay magpakita na ulit siya sa akin. “Saan na kaya si Ana? Bakit hindi na siya sumasanib kay Jenny? Maalala ko nga pala Alice, bakit hindi pa pumapasok si Jenny? May sakit ba siya?” “Aba malay ko, ilang araw na nga siyang wala sa klase eh.”

Nagpatuloy ang paglalakad naming ni Alice. Halos wala na akong naiintindihan sa mga pinagkwekwento niya dahil ang nasa isip ko ay si Ana. “Ano kaya ang mangyayari sa kanya kapag nagawa kong pigilan ang huling pag-aalay?” Marami pa ring bumabagabag sa aking isipan pero desidido na akong tapusin na ito nang sag anon ay bumalik na sa normal ang lahat. Nawala ang aking konsentrasyon nang tapikin ako ni Alice. “Si Icy mo!” “Ah… si Icy nga. Tawagin na natin para sumabay na siya sa atin. Mas marami mas masaya!” “Sus, sabihin mo para maging masaya ka!” “Nagseselos ka ba?” “Oo, bakit masama?” Natigilan ako sa sinabi ni Alice dahil sa tingin ko ay seryoso siya sa kanyang sagot kahit na pabiro lang ang aking tanong. Hindi maaaring maging kami dahil si Ana lang ang aking mahal at higit sa lahat, siya ang pinakamatalik na kaibigan ni Ana. Isa pa, kapatid lamang ang turing ko sa kanya. “Joke! Eto naman masyadong seryoso! Akala mo siguro seryoso ako no.” Humalakhak ng malakas si Alice at napasabay na rin ako. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niyang iyon.

“Icy, sumabay ka na sa amin ni Rick!”, pagyayaya ni Alice. “Sige ba. Salamat ha. Medyo natatakot kasi akong maglakad mag-isa.” “Bakit naman?”, pag-uusisa ni Alice. “Kasi…” Hinila ko si Icy at kinausap. “Huwag mong sasabihin kay Alice yung tungkol sa nangyari kahapon, please! Mag-aalala yun ng labis kaya hindi ko na sinabi.” “Ah, ganon ba. Sige hindi ko na sasabihin sa kanya.” “Ok ka na ba? Pano yung mga sugat mo? Huwag mong piliting pumasok kung di mo pa kaya.” “Ayos lang ako tsaka wala akong gagawin sa bahay. Baka lalo lang lumala to kung hihiga at uupo lang ako ng buong araw. Matanong ko lang, sino ba yun? At pano mo siya mo siya napatay eh hinawakan mo lang naman siya.” “Ah, eh… nagkamali ka lang siguro ng kita o baka namalikmata ka lang. At paano namang mamamatay ang isang tao sa isang hawak lang? Nagdedeliryo ka naman na ata nun. Tsaka sabi ng mga pulis, inatake siya sa puso kaya siya namatay. Marahil sinuswerte lang ako nung araw na iyon at oras na talaga nung taong iyon.” “Hindi ako pwedeng magkamali. Kitang kita ko ang galit sa iyong mga mata habang nakahawa ka sa kanya. Parang kamay ni kamatayan ang humawak sa kanya at unti-unting naupos na parang kandila ang kanyang buhay. Marahil totoo nga ang nakasaad sa propesiya.” “Propesiya ba kamo? Bakit mo alam ang tungkol sa propesiya? Sino ka nga bang talaga?” Naputol ang aming pag-uusap nang biglang sumingit si Icy. “Ano, di pa ba tapos ang lambingan niyong dalawa?”  “Si Alice talaga palabiro, o tara na Rick! Itutuloy na natin mamaya ang ating pag-uusap.”  

Tuesday, June 21, 2011

Ulan 2


        Isang taon na rin ang lumipas mula noong naranasan ko ang pinakamasaklap na nangyare sa aking buhay. Simula nang araw na iyon ay nagpakalayo ako at hindi na nagpakita pa. Maraming dumating at pilit na binuksan ang aking puso para magmahal ngunit kahit na anong pilit nila ay hindi nila nagawa. Natatakot pa ring masaktan muli.

          Mahirap ang paglimot lalo na sa isang taong pinahalagahan at minahal mo ng tunay. Hanggang ngayon'y siya pa rin ang laman ng aking isipan maging ang aking puso'y siya pa rin ang isinisigaw. Gusto kong lumaban ngunit hindi na maaari dahil siya na ang pinili mong makasama habambuhay. Masakit mang tanggapin ang pagkatalong ito ay gagawin ko para sa ikaliligaya mo.
Nagpatuloy ako sa aking paglalakad habang sinasariwa ang ating mga pinagsamahan. Maaaring sabihin ng ilan na nabubuhay ako sa ilusyon ngunit ilusyon mang maituturing ay mas gugustuhin ko nalang na magkaganoon na kahit ilusyon man lang ay makasama ka.

         Napadaan ako sa lugar kung saan ko binuhos ang lahat ng sakit na naramdaman sa araw ng iyong kasal. Katulad pa rin ng dati ang lahat at nakatirik pa rin ang punong naging saksi ng aking pagtangis. Napagpasyahan kong dito muna at pagmasdan ang paligid. Maya-maya pa'y bumuhos ang malakas na ulan. Dali-dali akong sumilong.

          Ilang minuto na ang lumilipas at di pa rin tumitila ang ulan. Napansin ko ang isang babaeng naglalakad sa kalye. Hindi niya alintana ang malakas na buhos ng ulan. Biglang pumasok sa aking isipan ang nakaraan kung saan ganyan na ganyan din ang aking ginawa. Nilapitan ko ang babaeng iyon at laking gulat ko sa aking nakita. Siya nga! Siya itong nasa harap ko at hindi ako pwedeng magkamali. Kahit na umuulan ay nakikita ko ang luha sa kanyang mga mata. Sa pagkakataong iyon ay hindi ako makakakilos. Bumilis ang pintig ng aking puso at para bagang sinakluban ako ng langit at lupa. Nagkatitigan kami at niyakap niya ako ng mahigpit. Sa buong buhay ko'y wala akong hinangad kundi ang maramdaman ang yakap niya. Sana'y di na magwakas pa ang pagkakataong ito at kung kaya ko lamang pigilan ang takbo ng oras ay gagawin ko makasama ka lamang.

Sunday, June 19, 2011

Payo



                Umiiyak ka na naman. Lagi ka nalang ganyan. Ilang beses mo pa ba gustong masaktan ng mapagtanto mong hindi talaga kayo para sa isa’t-isa? Ilang payo pa ba ang gusto mong marinig para tuluyan mo ng tigilan ang kabaliwang ito?
                Sabi mo, mahal mo siya at mahal ka rin niya. Malamang tama ka, nagmamahalan nga kayo. Malamang mahal ka rin niya. Pero hindi mo ba naisip na bakit hindi nga ba pwedeng maging kayo? Hindi mo ba natanong sa iyong sarili na tama bang magmahal ng isang taong merong hindi maiwan? At hindi mo ba natanong sa iyong sarili na totoo nga kaya ang sinasabi niyang pagmamahal para sa iyo? Kung ako ang tatanungin, hindi ko alam. Ikaw din ang maaaring sumagot sa mga katanungang iyan.
                Bawat isa sa atin ay binigyan ng kalayaan upang mamili. Walang mali sa mga pinipili natin ngunit nagiging masama lamang ito kapag nakikita na natin ang kahahantungan ng ating naging desisyon. Tama ka, maaaring maging kayo pero hindi mo ba naisip na maaaring gawin din niya sa iyo ang ginagawa niya ngayon?
                Ang tao, kadalasan bulag. Hindi nila nakikita ang pagkakaiba ng tunay at pagkukunwari. Ang tanging nakikita lamang nila ay ang mga katangiang nais nilang makita sa isang tao at ipinagwawalang bahala ang ibang katangian nito. Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi. Pero bakit mo pa hihintaying dumating sa puntong ikaw din ang masasaktan kung sa katunayan ngayon pa lang ay maarin mo ng iwasan iyan. 
Ang tao, mabilis magbago ng pananaw, saloobin at maging ang nararamdaman sa isang tao. Ika nga, walang permanente sa mundo. Lahat ng bagay ay may katapusaon maging ang pag-inig ng tao. Ngayon o bukas mahal ka pa niya at sa susunod hindi na dahil nakahanap na naman ng iba. Sa una, pag-ibig lang daw ang pinaiiral ngunit sa likod ng malilikot na imahinasyon ay nandoon pa rin ang pagnanasa. Ikaw naman, dahil sa mahal mo ay handa mong ibigay ang lahat ng walang pag-iimbot. At pagkatapos makuha ang gusto, karamihan naghahanap ng iba. Ganyan ba ang tunay na pag-ibig?
Kung sa ngayon mahal ka pa niya at sasabihin sa akin na iba siya sa mga nakilala mo ang tanong ko lamang ay, iba nga ba?. Kapag dumating ang pagkakataon na humiling siya at sasabihin mong handa ang ibigay ang lahat sa kanya, mag-isip-isip ka. Dahil hindi mo na maibabalik kung ano man ang nawala sa iyo. Paano kung iniwan ka niya? Iiyak ka? Ganyan naman lagi eh, kesyo ibinigay mo na ang lahat pero iniwan ka pa rin. Kesyo minahal mo siya ng buo, paki ba niya? Nakuha na ang gusto eh.
Masaya raw kahit na patagong relasyon pero sa huli sino rin ang masasaktan? Hindi ba ikaw? Antagal ko ng sinasabi sa iyo na minsan ang mga ganyang nararamdaman ay pansamantala lang at kung ihahalintulad sa isang manggang hilaw na pinilit pahinugin ay magiging maasim. Puro puso nalang kasi ang pinapairal, pwede ba minsan gamitin mo naman ang iyong utak? Diba kaya nga nasa itaas ng ating puso ang utak para pag-isipan muna nating mabuti bago pasukin ang anumang relasyong bawal man o hindi.
Marami naman diyang iba pero bakit sa may nabuo ng pag-ibig? Marami naman diyang iba na handang pasayahin ka. Sa tingin mo sasaya ka sa sitwasyon mong iyan? Sa tingin mo masaya rin ang mga taong nasa paligid mo sa tuwing nakikita kang nahihirapan dahil sa “pagmamahal” na iyan?
Pag-isipan mong mabuti iyang mga sinabi ko. Maikli lang ang buhay para magmukmok at paikutin lamang ito sa isang tao na walang ginawa kundi isipin lang na kapag mahal niya ay magagawa niya itong makuha kahit na may masaktan mang iba. Magpakasaya ka. Marami pang pwedeng mangyari. Marami ka pang makikilalang tunay na magmamamahal sa iyo. Panandalian lang iyang “nararamdaman” na iyan. Madali lang naman ang makalimot kung seseryosohin mo ito at hindi puro salita lamang. Alam kong masakit pero magiging masakit pa ba ito kung ito kung mapapagtanto mo at makikita mong ito ang makakabuti sa nakakarami?

Sunday, June 12, 2011

Shadow



          It's dark. I can't see anything. I don't know where I am and what I am doing in this place. All I can remember is I am in a park, standing near a tree, looking above while raindrops continuously fall on my face. I can't remember why I'm there. It seems like I'm waiting for someone. After a few minutes, I run through the woods and reach the road. I am stuck and can't moved my feet. Suddenly a strong light strike my eyes. A car is approaching. It is going to hit.

          Walking slowly towards the light, I see someone standing. If I'm not mistaken it's a girl, based on the shadow that that person casts. I am about to run towards that person when suddenly, I hear footsteps coming behind me. The sound coming from those footsteps becomes louder and louder as it goes near me. I can't tolerate the sound any longer until I fall on the ground. When I wake up, I saw a girl standing near beside me. The girl seems familiar to me. I think I saw her somewhere, sometime. I am beguiled by her charm and I think I'm in love. I am speechless at first but as soon as I come back to my senses and going to utter a word, she dispelled. I am astonished and remained silent. Suddenly, a cold breeze coming from the direction of the light struck me making me freeze. The girl is still there casting a nasty shadow. The shadow of her nails touch me and point it to my heart.

          Pain is what I feel. Suddenly, I feel something that goes out of me. I see my blood flowing on my skin. As I touch the wound that her nails left, I feel my heart beating so fast. I feel the pain inside me that slowly consuming my whole body. It flows continuously on the floor and I can see it eventhough it's dark. I don't know what is happening to me. I think no one can ever survive with this volume loss in one's body.

         Weird voices coming from nowhere is what I hear right now. I think I'm going to die. I can't tolerate the pain anymore. I'm weak now and I can't stand. I lay down on the floor waiting for death to come. It's my only hope to escape from this misery. It's my only option to escape from this painful experience. I want death. I want it now but until now I'm still alive. I want to find death but maybe death can't find me.

         Hours passed. I wake up. I see people in white. I see them smiling at me. I think I'm dreaming because I can't see the blood flowing. I don't know those people around me but they're saying that they know me. I can't remember anything except for the girl and the shadow that left a painful experience. I don't know what they are talking about. I'm confused. I'm tired. I want to sleep now. I want to feel the peace that it will bring me. I want it to find me and bring an end to this.

Paghihiganti 10

Chapter 10: Katauhan ni Icy


          Natulala ako ng ilang minuto. “Pangalawa na ‘to.” Sambit ko sa aking sarili. Hindi pa rin ako makapaniwalang magagawa ko ang ganito. Maya-maya pa ay naalala ko ang nangyare kay Icy at dali-dali ko siyang binuhat upang dalhin sa pinakamalapit na pagamutan.
          “Mahal na supremo, tagumpay ang sinagawang pagsasanay sa itinakda. Nagawa niyang paslangin ang ipinadala natin sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.” “Mabuti naman kung ganoon. Wala na akong duda na magagawa niya ang dapat niyang gawin. Ipagpatuloy niyo lang ang pagbabantay sa kanya at siguraduhin niyong di makakalapit sa kanya ang mga nagtatangkang pigilan ang propesiya.” “Masusunod mahal na supremo!”
         Iniwan ko na si Icy sa ospital pagkatapos kong ipaliwanag sa mga magulang niya ang nangyare. Binalikan ko ang pinangyarihan ng nagawa kong krimen. Gaya ng unang beses ay wala ni anino ng taong aking napaslang. Maging ang mga gulu-gulong silya ay naiayos na rin. Hindi ko mapagtanto kung bakit may biglang sumugod sa akin. Marahil kasapi siya ng mga pumipigil na muling mabuhay ang kanilang panginoon.
        Umuwi ako ng bahay at buong gabi kong pinag-isipan ang alok ng supremo. Kung ang pagpigil ng huling alay at pagkitil sa kanyang buhay ang tanging paraan upang mapigilan ang propesiya ay handa na akong gawin ito upang matapos na ang lahat ng ito. Wala ng madadamay na iba sa kahangalang matupad ang propesiya. Babalik na rin sa dati ang lahat at magwawakas na rin ang hidwaan sa pagitan ng dalawang grupo. Maya-maya pa ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
          “Nasaan na ako? Andilim naman, wala akong makita.” “Handa ka na ba sa aking pinapagawa Rick?” “Sino ka?”, pamilyar sa akin ang boses na iyon. “Magpakita ka kung sino ka man! Hindi ako natatakot sa iyo! O baka naduduwag ka naman kaya ayaw mong magpakita?” “Ambilis mo namang makalimot. Ako to, ang supremo. Gusto ko lang kasing malaman ang sagot mo sa inaalok ko sa iyo kaya naman dinalaw kita sa iyong panaginip.” “Oo. Handa na ako upang wakasan ang propesiya. Handa akong gamitin tong kapangyarihang ito upang tuldukan na ang lahat.” “Magaling. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa iyo dahil sa pagtupad mo sa aking kahilingan. Meron ka nalang isang buwan para paghandaan ang huling pag-aalay. Hanggang sa muli.” “Sandali. May itatanong pa ako.” Nagising ako mula sa pagkakatulog. Hindi ko namalayang alas sais na ng umaga at malalate na naman ako sa pagpasok kung di ako magmamadaling bumangon.   
          “Mabuti naman at nagising ka na.” “Bat di mo man lang napansin na may kalabang paparating? Bakit ganoon ka kadaling nadale ng kumag na iyon? Mali siguro ang desisyon ng konseho na ilagay ka sa misyong ito. Hindi mo magagawang patayin ang itinakda.” “Bigyan niyo pa ako ng isang pagkakataon at papatunayan kong kaya kong gampanan ang aking misyon. Naghihintay lamang ako ng tamang pagkakataon upang malaman kung saan ang kuta ng mga kulto dahil nararamdaman kong nagkakausap na ang ilang mga miyembro nila kay Rick. At isa pa, para magawa ko iyon ay dapat unti-unti kong makuha ang loob ni Rick.” “Siguraduhin mo lang na hindi ka papalpak sa misyon mong ito dahil alam mo naman ang karampatang parusa sa sinumang hindi nakakagawa ng kanyang misyon.” “Opo mahal na pinuno.”

Monday, June 6, 2011

Someday



          Tired. I lay down on the rooftop to watch the stars in the sky. It’s been a while since the last time I saw these little twinkling creatures. It’s my first time to see these without you since the day you left. As I looked up, I keep on thinking of you. Until now the feelings I had for you is still the same. How I wish to see you again.
          I met you several years ago when my world only revolves around the sun. When the only person I saw was the one in front. The feelings you had did not reach me until the time you confessed to me. At first, I laughed. But there was something in your eyes that finally reached me. It was also the time when I finally realized that I had feelings for you. I was such an idiot for not noticing your feelings and for so long I kept on hurting you. I always consulted you in my problems and you were always there for me when I needed you the most. You were always there watching me silently while I kept on turning my back. You were always my bestfriend.
          Ever since that day, the feelings I had for you grew until I fell in love with you. The moments that we shared are the greatest moments I had. I remember the nights when we were on the rooftop watching the stars while telling me your dreams and wishes. I remember the days when we were together while walking down the road, holding each other’s hand and we promised that someday we will be together. Eventhough we both knew that what we had won’t last, we continued to stay by each other’s side until the day came that we had to bid goodbye.
          If you came to my life earlier then you should be here by my side watching the stars. If only I notice that little star watching over me then I may reach that star. Eventhough it’s hard that I may not be able to see you, I’m still hoping that someday, somewhere down the road we will meet again, free and unchained. I’m still hoping that we well be given a chance to show our love without keeping it a secret. And most of all, I’m still hoping to see you again and watch the stars together until the end.

Saturday, May 7, 2011

Paghihiganti 9





Chapter 9: Bagong Kaibigan o Kaaway?


          Gabi na ng magising ako. Hindi ko akalaing ganoon katagal kaming nag-usap ng pinuno ng mga kulto. Pinag-iisipan ko pa hanggang sa mga oras na ito ang mga sinabi niya at naintindihan ko naman ang kanyang rason kung bakit gusto niyang pigilan ang propesiya. Umuwi na ako at hihintayin ang pagbabalik ni Ana upang masabi sa kanya ang aming napag-usapan.

          Magdamag kong inabangan ang pagbabalik ni Ana ngunit di siya nagpakita. Paggising ko ay agad akong nagpalit ng uniporme upang pumasok sa paaralan. Sa aking paglalakad ay nakadaanan ko ang isang napakandang babae na may hawak na mapa. Maaaring bago siya rito at hindi niya alam ang daan papunta sa kanyang patutunguhan. “Hi, miss.” “Hello.” “Ah… eh… may maitutulong ba ako sa iyo? Baka nawawala ka na.”, pag-aalok ko. “Hindi ko kasi alam kung saan ang daanan papuntang Asta High eh.” “Doon ako nag-aaral miss. Papunta ako doon maaari kitang samahan. Ako nga pala si Rick.” “Icy ang pangalan ko.” “Icy, napakagandang pangalan.” “Salamat.” “Ano nga palang gagawin mo sa Asta High? May bibisitahin ka?” “Wala naman. Sa katunayan, bagong lipat kami rito. Mag-eenrol sana ako.”

         Nakarating na kami sa paaralan. Inihatid ko siya sa tanggapan ng punong guro at pumunta na sa silid-aralan. Swerte ko at wala pa ang aming guro. Umupo ako sa tabi ni Alice at kinausap siya. Medyo ok naman na si Alice at gaya ng dati ay marami na naman siyang naikwento sa akin. Maya-maya pa ay dumating na ang aming guro. “Magandang umaga sa inyo, simula ngayong araw may bago kayong makakasama. Transferee siya mula sa St. Agustine Academy. Icy halika.” Pumasok si Icy at nagpakilala. “Hello. Ako nga pala si Icy.” “Saan mo gusto umupo Icy?” “Sa tabi ni Rick.” “Magkakilala kayo?” “Opo ma’am. Nagkakilala kami kanina.” “Edi maganda kung ganun may kakilala ka na agad. Class, maging mabait kayo kay Icy ha. Kung may hindi siya alam patungkol sa pasikot-sikot ng paaralang ito ay ituro niyo lang sa kanya.” Umupo si Icy sa aking tabi. Ipinakilala ko siya kay Alice at nagkamabutihan naman ang dalawa.

          Natapos na ang klase sa araw na ito. Agad nagsiuwian ang aking mga kaklase. Dahilan na rin sa laging pagiging late ay naataasan akong maglinis ng silid-aralan pagkatapos ng klase. Pinagmamasdan ko ang paglubog ng araw habang nililinisan ang mga bintana. Naalala kong muli ang mga sinabi sa akin ng pinuno ng mga kulto. Hindi pa rin maalis sa aking isipin ang aming mga napag-usapan. “Mukhang malalim ata ang iniisip mo.” Paglingon ko ay nakita ko si Icy. “O, Icy ikaw pala. Bakit di ka pa umuuwi?  Baka hanapin ka na sa inyo.” “Ah, hindi naman. Tsaka nagpaalam ako sa aking mga magulang na malalate ako ng uwi dahil mamamasyal pa ako. Gusto kong maging pamilyar sa mga lugar rito.” “Kung gusto mo, ako nalang tour guide mo. Kung ok lang sayo.” “Talaga? Sige tutulungan na kita diyan para mabilis matapos.”

         Natapos namin ni Icy ang paglilinis sa silid-aralan. Palabas na kami nang may biglang humarang sa aming daanan. “Sino ka?”, tanong ko sa lalaking ngayon ko lang nakita. Hindi siya nagsalita bagkus nilabas ang patalim na dala mula sa kanyang bulsa. Agad niya akong sinugod at nang malapit na sa akin ang patalim ay humarang si Icy. Umagos ang dugo mula kay Icy at sa pagkakataong iyon ay nag-uumapaw na galit ang aking naramdaman. Hindi ko napigilan ang aking sarili at parang may kung anong sumapi sa akin. Hinawakan ko ang lalaking iyon at ibinuhos sa kanya ang galit na nadarama. Ilang saglit pa’y nangingisay na ang lalaki at nawalan ng buhay.


Chapter 8: Hiling

Itutuloy...

Tuesday, May 3, 2011

Paghihiganti 8


Chapter 8: Hiling

          Buong gabi akong di nakatulog at pinag-isipan ko ang mga sinabi ni Ana. Gusto kong makita ang aklat ng propesiya at mabasa kung ano man ang nilalaman nito ngunit hindi ko alam kung papaano. Marahil hihintayin ko nalang ulit ang muling pagbabalik ni Ana.

           Linggo ngayon at nagising ako ng maaga. Nakaugalian ko nang gumising ng maaga lalo na kapag lingo. Nagsisimba ako lagi kasama ni Alice ngunit ngayong araw ay kahit anino ni Alice ay di ko nakita. Napagpasyahan kong daanan siya ngunit nagbago ang aking isip nang maalala ang mga nangyare sa kanya. Marahil ay hindi pa rin siya payagang lumabas ngayon dahil sa mga nangyari kaya nagpunta nalang ako sa simbahan nang mag-isa.

           Sa aking paglalakad papuntang simbahan ay napansin kong parang may sumusunod sa akin kaya naman binilisan ko ang aking paglalakad. Lumiko ako sa isang maliit na eskinita at doo’y inabangan ko siya nang makita ko kung sino ang kanina pa’y sumusunod sa akin. Sa paghihintay kong pumasok siya sa eskinita ay may naramdaman akong kamay na tumapik sa aking likuran. “Huwag kang lilingon. Ako ang naatasang magmasid sa lahat ng ginagawa mo. May ipinaparating lamang na mensahe aming supremo.” Maya-maya pa’y nahilo ako at di ko namalayang nakatulog ako.

          Paggising ko ay nakita ko ang isang lalaking nakatalikod. “Mabuti naman at gising ka na. Ikinagagalak kong makausap ka, ang itinakda.” Bumangon ako sa aking pagkakahiga. “Sino ka?” “Ako ang pinuno ng kultong gustong maisakatuparan ang propesiya o mas kilala bilang kanilang supremo.” Sa mga oras na iyon, kahit nalaman ko na ang kaharap ko ay ang pinuno ng kulto ay wala akong naramdamang kaba o pag-aalala man lamang sa kanyang gagawin sa akin. Sa katunayan ay nakadama ako ng katahimikan at sa aking palagay ay hindi naman siya masama. Ngunit, ayokong magbakasakali kaya nama’y nagpatuloy ako sa aking pagtatanong. “Anong pakay mo at gusto mo akong makausap?” “Nais ko lamang iparating sa iyo na gusto kong pigilan ang propesiya.” Nagulat ako sa sinabi ng kanilang pinuno. “Sa katunayan, napilitan lamang akong sumali sa grupong iyon. Isa lamang akong ordinaryong mamamayan na nakikipagsapalaran araw-araw sa isang piyer dito upang maitaguyod ang aking pamilya. Isang araw, may isang miyembro ng kulto na lumapit sa akin at sinabing ako ang kanilang hinihintay upang mamuno sa kanila. Binalaan ako na papatayin nila ang aking pamilya kapag hindi ako sumunod sa kanya at dala na nga ng takot ay sumama ako sa kanya. Isang ritwal ang kanilang isinagawa at sa ritwal na iyon ay mapapatunayan kung ako nga ang kanilang hinahanap. Hindi ko inaasahan na papasa ako roon at naging pinuno nga nila. Inaral ko ang buong propesiya at may napansin akong maaaring pumigil sa nakatakda.” “Bakit mo ito sinasabi sa akin?” “Gaya nga ng sabi ko sayo, ayokong maisakatuparan ang propesiya.” “Kung totoo nga iyang sinasabi mo ay ano ang maaaring makapagpigil sa nakatakda?” “Mapipigilan ang nakasulat sa propesiya kapag napigilan ang huling pag-aalay.” “Kailan ang huling pag-aalay?” “Sa kalagitnaan ng taong ito kung saan kabilugan ng buwan. Magaganap ang pag-aalay sa lumang sementeryo dito sa atin. Ang kailangan mo lang gawin ay patayin sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan ang taong mag-aalay.” “Papatayin? Ayoko. Ayokong dagdagan pa ang aking kasalanan. May pinatay na ako dati at di ko hahayaang maulit pa iyon.” “Iyon lang ang tanging paraan para mapigilan ang propesiya. Nasa iyong mga kamay ang kaligtasan ng mundo at ng mga taong mahal mo.” “Pero…” “Wala ng pero pero, sumunod ka nalang. Ako ang magsasagawa ng ritwal. Siguraduhin mong mapapaslang mo ako sa isang hawak mo lang. Kapag nagawa mo iyon ay mawawalan ng saysay ang pag-aalay at hindi maisasakatuparan ang propesiya.” Hindi agad ako nakapagsalita sa mga oras na iyon dahil hindi pa rin ako makapaniwala na ang mismong pinuno ng mga kulto ang makikiusap sa akin upang siya’y paslangin at tuldukan na ang propesiya. “Paano ko mapapalabas ang aking kapangyarihan?” “Simple lang. Palabasin mo lahat ang nakatagong galit sa iyong dibdib at magagawa mong gamitin ang iyong kapangyarihan.” Pagkasabi ng mga katagang iyon ng kanilang pinuno ay nagising ako at natagpuaan ko ang aking sarili na nakahandusay.


Chapter 7: Pagtatangka                                                                                        Chapter 9: Bagong kaibigan o kaaway?

Wednesday, April 27, 2011

Paghihiganti 7


Chapter 7: Pagtatangka


       “Anong balita?” “Mahal na supremo, ikinalulugod kong ibalita na tagumpay ang isinagawang alay. Nagpakita ang takdang lalaki at siya mismo ang nagsagawa ng huling bahagi ng ritwal.” “Magaling. Nalalapit na ang pagbabalik ng ating panginoon. Ipagpatuloy mo lang ang iyong pagbabantay.” “Paano yan mahal na supremo, hindi pa rin natatagpuan ang babaeng itinakda.” “Natagpuan ko na siya at hinihintay ko na lamang ang takdang panahon.”

          Tanghali na ng magising ako. Sabado ngayon at naalala ko ang pag-iimbita sa akin ni Alice. Nakalabas na ng ospital si Alice kung kaya’y dumiretso ako sa kanilang bahay. Pagdating ko sa kanilang bahay ay agad akong pinapasok ng kanyang ama. “Kamusta po si Alice?”“Ayon medyo ayos naman na pakiramdam niya. Tingnan mo nalang siya sa kanyang kwarto Rick at ng makapaghanda ako ng merienda.” “Sige po. Salamat.” Nakahiga si Alice nang datnan ko sa kanyang kwarto. Kinausap ko siya ngunit kahit na isang salita ay wala siyang sinabi dala na marahil ng tromang natamo. Hinayaan ko na lamang muna siya at agad din akong nagpaalam sa kanyang ama.

         Sa aking paglalakad pauwi ay may nakasalubong akong mga lalaki. Ako’y kanilang dinamput at hindi ko nagawang manlaban dahil sadyang napakarami nila at napakalakas. Nakarating kami sa ilalim ng tulay at doon ay kinausap sila ng kanilang pinuno. “Siya na ba ang takda?” “Opo mahal na pinuno. Siya na nga.” Naglabas ng patalim ang kanilang pinuno at nagsagawa ng ritwal. Dinasalan niya ang patalim na iyon at pagkatapos ng dasal ay inutusan niya ang isang kasamahan na ako’y paslangin sa pamamagitan ng patalim na iyon. Kinuha naman ito ng kanyang tagasunod at nang itututok na ang patalim sa aking leeg ay siya namang pagkapugot ng ulo nito na parang nalaglag lamang na sirang prutas mula sa kanyang puno. Maging ang mga kasama nito’y ganun din ang nangyari.

        Laking gulat ko sa mga oras na iyon at agad akong tumakbo. Nakarating ako sa istasyon ng pulis at aking isinalaysay ang buong pangyayari. Pinuntahan ulit naming ang lugar na pinangyarihan nito ngunit laking pagtataka ko nang makita kong wala na ang mga katawan na kanina lamang ay nakahandusay dito at wala nang buhay. Kahit na isang pahit ng dugo sa damuhan ay wala kang makikita. Umalis ang mga pulis habang ako’y tulala pa ring pinagmamasdan ang lugar at pilit tinatanto kung ano nga ba ang nangyare.

        Umuwi ako sa bahay. Andun na pala si Ana at kanina pa ako hinihintay. Ikwenento ko sa kanya ang buong pangyayare. “Mabuti nalang at walang nangyareng masama sa iyo. Ang mga taong nagtangka sa iyong buhay ay miyembro ng isang grupo na pumipigil upang maisakatuparan ang propesiya. Gagawin nila ang lahat para pigilan ito. At ang taong pumaslang sa kanila ay miyembro ng kulto na siyang naatasang bantayan ang anumang kilos mo. Maging ang taong napaslang mo sa bahay nila Alice ay miyembro ng kulto.””Wala bang ibang paraan para maiwasan ko ang mga taong gustong pumatay sa akin at sa kulto? Paano kung sabihin ko nalang sa mga taong pumipigil sa propesiya na panig ako sa kanila, na tutol ako sa gusto ng mga kultong iyon?” “Hindi mo maaaring gawin iyon. Sabihin mo man sa kanila iyon ay papatayin ka pa rin nila dahil hindi nila magagawang pigilan ang propesiya hanggat di namamatay ang takdang lalaki. Sa takdang lalaki nakasalalay ang lahat.” Pagkatapos iyong mabanggit ni Ana ay nawala ulit siya na parang bula.

Chapter 6: Alay                                                                                        Chapter 8: Hiling