Chapter 6: Alay
Nakapasok ako ng walang kahihirap-hirap sa bahay nila Alice. Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan nila Alice. Marahil patapos na ang ritwal sa mga sandaling iyon at tiniklop na ng isang nakatalukbong ng telang itim ang binabasang maliit na aklat. Kinuha niya ang patalim na nakalagay sa pagitan ng dalawang nakatirik na kandila. Agad niya itong inilapat sa leeg ni Alice habang wala itong malay. Sa pagkakataong iyon ay nandilim ang aking paningin at kinuha ko ang patalim na nasa mesa nila Alice at sinugod ang taong iyon. Nasaksak ko ito sa may dibdib na siya namang kinamatay nito. Hinugot ko ang patalim mula sa dibdib niya at laking pagtataka ko ng bigla na lamang naglaho na parang bula ang isa pa nitong kasamahan. Hindi ko na iyon pinansin at agad kong binuhat si Alice upang dalhin sa ospital. Mabuti nala’y nagpunta ako sa bahay nila Alice at nailigtas ko ang kanyang buhay.
Sa ospital, karampatang lunas si Alice. Ayon sa doctor ay nahimatay lamang siya dahil sa matinding pagod. Maya-maya pa ay dumating na ang kanyang ama at ikwenento ko ang nangyari. Tumawag kami sa istasyon ng pulis para magpasama sa bahay nila Alice. Kwinento ko ang buong pangyayari sa mga pulis at laking gulat ko na lang nang makarating kami sa bahay nila Alice ay wala na ang taong duguan na nakahandusay sa sahig. Umalis ang mga pulis sa mga sandaling iyon dahil wala naman silang nakita. Hindi rin naniwala ang ama ni Alice sa aking mga sinabi kaya umuwi na lamang ako.
Nakauwi na ako sa bahay. Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang mga nangyari ng gabing iyon. Iniisip ko pa rin kung panong nawalang parang bula ang isang tao at panong nawala ang katawan ng isang taong sinisigurado kong patay na. Maging ang mga dugo sa sahig na mula sa taong iyon ay wala na nang aming balikan. Parang walang nangyaring kakaiba sa bahay nila Alice maliban sa dalawang kandilang nakasindi.
Ilang minuto ang lumipas at may kumakatok sa pinto. Disoras na ng gabi at wala akong inaaasahang bisita. Naalala ko ang lalaking nawala ng parang bula at inisip kong baka ito ang kumakatok sa pinto kaya kumuha ako ng patalim. Sinilip ko kung sino ang kumakatok at laking ginhawa ang aking naramdaman nang makitang si Jenny ang kumakatok. Marahil ay sumanib ulit sa kanya si Ana kaya siya naririto sa mga oras na ito.
Binuksan ko ang pinto at pinapasok si Jenny. “Ana, ikaw ba yan?” “Oo Rick, ako nga ito. Nakita ko ang ginawa mo sa bahay nila Alice kanina.” “Ano ba ang mga iyon at sino sila?” “Sila ay mga miyembro ng kulto. Iaalay dapat nila kanina sa Alice sa kanilang panginoon. Mabuti nalang at napigilan mo ito.” “Pero bakit si Alice?” “Hindi ko rin alam kong bakit si Alice. Marahil ay dahil malapit siya sayo. Lumalakas ka na Rick. Nakakaya mo ng labanan ang ilan sa kanila.” “Maaaring ipaliwanag mo sa akin ang lahat, gulong gulo na kasi ako Ana.” “Hindi pa ito ang tamang panahon Rick. Darating din tayo diyan. Maging ako ay naghahanap din ng mga kasagutan sa aking mga katanungan ngunit hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin ko sa iyo. Kapag napagtagumpayan mo ng gamitin ang iyong kapangyarihan.” “Kapangyarihan?” Hindi pa man natatapos ang aming usapan ay nawala rin ng parang bula si Ana. Sa mga nalaman ko sa kanya ay lalong naging magulo ang isip ko at dumami ang mga tanong na naghihintay ng kasagutan.
No comments:
Post a Comment