Site Updates:
You broke my heart but still I love you :)
02-01-11

Monday, January 23, 2012

Wakas


Tumila na ang malakas na buhos ng ulan. Unti-unti na ring napapawi ang ulap. Hindi ko pa rin mapigilan ang pagpatak ng aking mga luha habang yakap siya. Sinira ko ang aming relasyon at ngayo'y nagsisisi. Kahit na anumang pilit kong ibalik kung ano man ang meron kami ay wala na ring pag-asa. Bumitiw na siya mula sa aking pagkakayakap. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palayo mula sa aking kinatatayuan. Nais kong habulin siya ngunit hindi ko maigalaw ang aking mga binti. Para bagang sinasabi nito na kahit habulin mo siya ay hindi na rin siya babalik sa iyo. Napakasakit ng nararamdaman ko ngayon. Wala akong magawa kundi pagmasdan ang kanyang paglayo. Ilang sandali pa'y hindi ko na siya matanaw. Doon ko napagtanto kung gaano siya kahalaga at gaano ko siya kamahal. Huli na nga ba ang lahat? Yan ang tanong na hindi ko mawari ang kasagutan. Hindi ko pa rin mapigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Labis labis na ang sakit na nararamdaman. Ayokong umalis sa aking kinatatayuan, baka bumalik pa siya. Ngunit kahit na anong gawin kong hintay ay hindi siya bumabalik. Hanggang dito na lang ba? Wala na ba talagang pag-asa? Masakit man siguro, tatanggapin ko nalang. Hahangarin ko nalang ang kasiyahan niya sa piling ng iba at pipilitin ko nalang din maging masaya kahit na pait ang aking nadarama.  

9 comments:

  1. nakakaantok ng magbasa nito .........ni wala man lang comedy nakakantok rin ung mga words AyAyayayayz

    paulit ulit ung thema....kung hindi iniwan nag emo emo. ano bayan

    atsaka ano ba tong site mo ni wala man lang kabuhay buhay..

    ayusin mu nga Pare ........hahaha Say no To SOPAAAA

    ReplyDelete
  2. may pinagdadaanan lang kaya ganyan. kung hindi mo maapreciate edi ok... wag k nlang magsbi ng kung anu-ano

    ReplyDelete
  3. Anonymous # 2: Thanks sa pagtatanggol... at Anonymous # 1: Dos!

    ReplyDelete
  4. ur welcome.. mhal kc kita =)

    ReplyDelete
  5. para sabihin ko rin na mahal kita hahahaha

    ReplyDelete
  6. hindi naman po sya magiimprove kung wala pong magpopoint out ng weakness nya....

    aanhin mu ang po love kung itutulak kanaman sa maling direksyon.

    tsaka nung Ojt pa po nya ginawa tong blog nato, hanggang ngayon po ganun parin ang pinagdadaanan nya tsk tsk pareparehas kung hindi Iniwan , namatayan ang theme.

    kumbaga po sa pagkain....masarap nga nakakaumay naman

    atsaka po si Xerenader naman nag ppm sakin para komentan ko ung po nya . kung ayaw nyo po akong magcomment ayos lang po. :)

    @jez wag daw ako magcomment bwahahahhahahahhahahahahahhahahahahaha

    ReplyDelete
  7. hahaha langya ka dos... minsan ko lang sinabi saung magcomment ka sa post ko hahaha bakit lagi ba kitang piniPM? lol ka talaga, wag mo siyang intindihin anonymous. Thanks ulit :)

    ReplyDelete