Site Updates:
You broke my heart but still I love you :)
02-01-11

Saturday, May 7, 2011

Paghihiganti 9





Chapter 9: Bagong Kaibigan o Kaaway?


          Gabi na ng magising ako. Hindi ko akalaing ganoon katagal kaming nag-usap ng pinuno ng mga kulto. Pinag-iisipan ko pa hanggang sa mga oras na ito ang mga sinabi niya at naintindihan ko naman ang kanyang rason kung bakit gusto niyang pigilan ang propesiya. Umuwi na ako at hihintayin ang pagbabalik ni Ana upang masabi sa kanya ang aming napag-usapan.

          Magdamag kong inabangan ang pagbabalik ni Ana ngunit di siya nagpakita. Paggising ko ay agad akong nagpalit ng uniporme upang pumasok sa paaralan. Sa aking paglalakad ay nakadaanan ko ang isang napakandang babae na may hawak na mapa. Maaaring bago siya rito at hindi niya alam ang daan papunta sa kanyang patutunguhan. “Hi, miss.” “Hello.” “Ah… eh… may maitutulong ba ako sa iyo? Baka nawawala ka na.”, pag-aalok ko. “Hindi ko kasi alam kung saan ang daanan papuntang Asta High eh.” “Doon ako nag-aaral miss. Papunta ako doon maaari kitang samahan. Ako nga pala si Rick.” “Icy ang pangalan ko.” “Icy, napakagandang pangalan.” “Salamat.” “Ano nga palang gagawin mo sa Asta High? May bibisitahin ka?” “Wala naman. Sa katunayan, bagong lipat kami rito. Mag-eenrol sana ako.”

         Nakarating na kami sa paaralan. Inihatid ko siya sa tanggapan ng punong guro at pumunta na sa silid-aralan. Swerte ko at wala pa ang aming guro. Umupo ako sa tabi ni Alice at kinausap siya. Medyo ok naman na si Alice at gaya ng dati ay marami na naman siyang naikwento sa akin. Maya-maya pa ay dumating na ang aming guro. “Magandang umaga sa inyo, simula ngayong araw may bago kayong makakasama. Transferee siya mula sa St. Agustine Academy. Icy halika.” Pumasok si Icy at nagpakilala. “Hello. Ako nga pala si Icy.” “Saan mo gusto umupo Icy?” “Sa tabi ni Rick.” “Magkakilala kayo?” “Opo ma’am. Nagkakilala kami kanina.” “Edi maganda kung ganun may kakilala ka na agad. Class, maging mabait kayo kay Icy ha. Kung may hindi siya alam patungkol sa pasikot-sikot ng paaralang ito ay ituro niyo lang sa kanya.” Umupo si Icy sa aking tabi. Ipinakilala ko siya kay Alice at nagkamabutihan naman ang dalawa.

          Natapos na ang klase sa araw na ito. Agad nagsiuwian ang aking mga kaklase. Dahilan na rin sa laging pagiging late ay naataasan akong maglinis ng silid-aralan pagkatapos ng klase. Pinagmamasdan ko ang paglubog ng araw habang nililinisan ang mga bintana. Naalala kong muli ang mga sinabi sa akin ng pinuno ng mga kulto. Hindi pa rin maalis sa aking isipin ang aming mga napag-usapan. “Mukhang malalim ata ang iniisip mo.” Paglingon ko ay nakita ko si Icy. “O, Icy ikaw pala. Bakit di ka pa umuuwi?  Baka hanapin ka na sa inyo.” “Ah, hindi naman. Tsaka nagpaalam ako sa aking mga magulang na malalate ako ng uwi dahil mamamasyal pa ako. Gusto kong maging pamilyar sa mga lugar rito.” “Kung gusto mo, ako nalang tour guide mo. Kung ok lang sayo.” “Talaga? Sige tutulungan na kita diyan para mabilis matapos.”

         Natapos namin ni Icy ang paglilinis sa silid-aralan. Palabas na kami nang may biglang humarang sa aming daanan. “Sino ka?”, tanong ko sa lalaking ngayon ko lang nakita. Hindi siya nagsalita bagkus nilabas ang patalim na dala mula sa kanyang bulsa. Agad niya akong sinugod at nang malapit na sa akin ang patalim ay humarang si Icy. Umagos ang dugo mula kay Icy at sa pagkakataong iyon ay nag-uumapaw na galit ang aking naramdaman. Hindi ko napigilan ang aking sarili at parang may kung anong sumapi sa akin. Hinawakan ko ang lalaking iyon at ibinuhos sa kanya ang galit na nadarama. Ilang saglit pa’y nangingisay na ang lalaki at nawalan ng buhay.


Chapter 8: Hiling

Itutuloy...

Tuesday, May 3, 2011

Paghihiganti 8


Chapter 8: Hiling

          Buong gabi akong di nakatulog at pinag-isipan ko ang mga sinabi ni Ana. Gusto kong makita ang aklat ng propesiya at mabasa kung ano man ang nilalaman nito ngunit hindi ko alam kung papaano. Marahil hihintayin ko nalang ulit ang muling pagbabalik ni Ana.

           Linggo ngayon at nagising ako ng maaga. Nakaugalian ko nang gumising ng maaga lalo na kapag lingo. Nagsisimba ako lagi kasama ni Alice ngunit ngayong araw ay kahit anino ni Alice ay di ko nakita. Napagpasyahan kong daanan siya ngunit nagbago ang aking isip nang maalala ang mga nangyare sa kanya. Marahil ay hindi pa rin siya payagang lumabas ngayon dahil sa mga nangyari kaya nagpunta nalang ako sa simbahan nang mag-isa.

           Sa aking paglalakad papuntang simbahan ay napansin kong parang may sumusunod sa akin kaya naman binilisan ko ang aking paglalakad. Lumiko ako sa isang maliit na eskinita at doo’y inabangan ko siya nang makita ko kung sino ang kanina pa’y sumusunod sa akin. Sa paghihintay kong pumasok siya sa eskinita ay may naramdaman akong kamay na tumapik sa aking likuran. “Huwag kang lilingon. Ako ang naatasang magmasid sa lahat ng ginagawa mo. May ipinaparating lamang na mensahe aming supremo.” Maya-maya pa’y nahilo ako at di ko namalayang nakatulog ako.

          Paggising ko ay nakita ko ang isang lalaking nakatalikod. “Mabuti naman at gising ka na. Ikinagagalak kong makausap ka, ang itinakda.” Bumangon ako sa aking pagkakahiga. “Sino ka?” “Ako ang pinuno ng kultong gustong maisakatuparan ang propesiya o mas kilala bilang kanilang supremo.” Sa mga oras na iyon, kahit nalaman ko na ang kaharap ko ay ang pinuno ng kulto ay wala akong naramdamang kaba o pag-aalala man lamang sa kanyang gagawin sa akin. Sa katunayan ay nakadama ako ng katahimikan at sa aking palagay ay hindi naman siya masama. Ngunit, ayokong magbakasakali kaya nama’y nagpatuloy ako sa aking pagtatanong. “Anong pakay mo at gusto mo akong makausap?” “Nais ko lamang iparating sa iyo na gusto kong pigilan ang propesiya.” Nagulat ako sa sinabi ng kanilang pinuno. “Sa katunayan, napilitan lamang akong sumali sa grupong iyon. Isa lamang akong ordinaryong mamamayan na nakikipagsapalaran araw-araw sa isang piyer dito upang maitaguyod ang aking pamilya. Isang araw, may isang miyembro ng kulto na lumapit sa akin at sinabing ako ang kanilang hinihintay upang mamuno sa kanila. Binalaan ako na papatayin nila ang aking pamilya kapag hindi ako sumunod sa kanya at dala na nga ng takot ay sumama ako sa kanya. Isang ritwal ang kanilang isinagawa at sa ritwal na iyon ay mapapatunayan kung ako nga ang kanilang hinahanap. Hindi ko inaasahan na papasa ako roon at naging pinuno nga nila. Inaral ko ang buong propesiya at may napansin akong maaaring pumigil sa nakatakda.” “Bakit mo ito sinasabi sa akin?” “Gaya nga ng sabi ko sayo, ayokong maisakatuparan ang propesiya.” “Kung totoo nga iyang sinasabi mo ay ano ang maaaring makapagpigil sa nakatakda?” “Mapipigilan ang nakasulat sa propesiya kapag napigilan ang huling pag-aalay.” “Kailan ang huling pag-aalay?” “Sa kalagitnaan ng taong ito kung saan kabilugan ng buwan. Magaganap ang pag-aalay sa lumang sementeryo dito sa atin. Ang kailangan mo lang gawin ay patayin sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan ang taong mag-aalay.” “Papatayin? Ayoko. Ayokong dagdagan pa ang aking kasalanan. May pinatay na ako dati at di ko hahayaang maulit pa iyon.” “Iyon lang ang tanging paraan para mapigilan ang propesiya. Nasa iyong mga kamay ang kaligtasan ng mundo at ng mga taong mahal mo.” “Pero…” “Wala ng pero pero, sumunod ka nalang. Ako ang magsasagawa ng ritwal. Siguraduhin mong mapapaslang mo ako sa isang hawak mo lang. Kapag nagawa mo iyon ay mawawalan ng saysay ang pag-aalay at hindi maisasakatuparan ang propesiya.” Hindi agad ako nakapagsalita sa mga oras na iyon dahil hindi pa rin ako makapaniwala na ang mismong pinuno ng mga kulto ang makikiusap sa akin upang siya’y paslangin at tuldukan na ang propesiya. “Paano ko mapapalabas ang aking kapangyarihan?” “Simple lang. Palabasin mo lahat ang nakatagong galit sa iyong dibdib at magagawa mong gamitin ang iyong kapangyarihan.” Pagkasabi ng mga katagang iyon ng kanilang pinuno ay nagising ako at natagpuaan ko ang aking sarili na nakahandusay.


Chapter 7: Pagtatangka                                                                                        Chapter 9: Bagong kaibigan o kaaway?