Site Updates:
You broke my heart but still I love you :)
02-01-11

Monday, November 21, 2011

Gabi

Unti-unti ng nilalamon ng dilim ang natitirang liwanag sa kalangitan at hudyat na rin ng isang gabing wala ka na naman sa aking piling. Hindi ko na kaya pang mag-isa pa sapagkat ikaw lamang ang aking tinatangi. Sobrang pighati ang aking naramdaman nung ika'y nagdesisyong lumayo sa akin. Gusto ko mang pigilan ang iyong paglayo ay wala rin akong nagawa.

Ilang gabi na rin akong nangungulila sa iyong mga yakap. Ang mga kwento mong dating masakit ng pakinggan dahil paulit-ulit ay siya naman ngayong hinahanap hanap. Ang iyong mga ngiti na kay sarap pagmasdan ay nais ko ulit makita. Nasaan ka na nga ba aking irog?

Puso ko'y hinahanap hanap ka. Hanggang ngayon ay nagbabakasakaling babalik ka pa sa akin. Walang oras na hindi kita inisip na kahit ngayo'y walang kwentang usapan ay hanap makausap ka lamang. Hindi ko na kaya pang mawalay pa sa iyo. Ikaw lang ang aking pinangarap at ikaw lang ang aking papangarapin. Magbalik ka lang, magiging masaya na ulit ang puso kong nangungulila. Mahal kita at iyon at iyon lang ang aking masasabi dahil ikaw lang ang mundo ko ang siyang kumumpleto sa aking pagkatao.

12 comments:

  1. wla ka lang siguro makatabi hahaha

    ReplyDelete
  2. alam ko isasagot niya "kathang isip lang yan" haha

    ReplyDelete
  3. dahil yun naman lagi mong sinasabi db?

    ReplyDelete
  4. Hahaha. kilala mo yang si anonymous. mukhang kilala ko na siya. 98% sure.

    ReplyDelete
  5. san napunta ang 2% anonymous #2?

    ReplyDelete
  6. sau rin 100% un hahhaha... nagkamali lang yang si anonymous na yan

    ReplyDelete
  7. name d mysterious name behind 'Anonymous'

    ReplyDelete
  8. hahaha... hayaan niyo lang siyang maging Anonymous

    ReplyDelete