Site Updates:
You broke my heart but still I love you :)
02-01-11

Tuesday, October 25, 2011

Singsing


Excited na akong ipakita itong dala kong singsing. Nais ko na ring lumagay kami sa tahimik. Ilang buwan ko na rin itong pinag-iipunan at saw akas hawak ko na ang magiging patunay ng aking pagmamahal sa kanya.

Dumating na ako sa aming tagpuan. Wala pa siya kaya nama’y nagtiyaga akong maghintay upang yayain na siya ng kasal. Maya-maya pa ay natatanaw ko na siya. Agad akong tumayo upang salubungin siya. Niyakap ko siya ng mahigpit nang maramdaman ko ang luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata. Tinanong ko siya kung ano ang problema. Nang malaman ko ang dahilan ng kanyang pagtangis ay parang kandilang naupos ang aking puso nang sabihin niyang hindi na niya ako mahal at may mahal na siyang iba. Sa katunayan ay inihahanda na raw ang pag-iisang dibdib nila ng lalaking kanyang minamahal. Hindi ako makakilos at makapagsalita sa oras na iyon. Nais kong tanungin kung bakit niya nagawa sa akin iyon ngunit hindi ko nagawa dahil umalis siya agad.

Labis na kalungkutan ang aking naramdaman. Itinago ko ang singsing na tanging alaala ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi koi to maitapon-tapon dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ko para sa kanya. Walang araw na hindi ko siya naiisip at tanging hiling ko lamang ay ang kaligayahan niya sa piling ng kanyang mahal.
Ilang buwan na rin ang lumipas mula noong araw na iyon. Hanggang nayon ay siya pa rin ang laman ng aking isipan. Naaalala ko pa rin an gaming mga pinagsamahan at mga pinagdaanan na siyang nagpatibay ng aming pagsasama.

Isang araw, may natanggap akong tawag mula sa kanyang ina. Pinapapunta ako sa kanila. Agad naman akong nagtungo sa lugar na kanyang sinabi. Pagdating ko doon ay nahabag ako sa aking nakita. Nakarata’y siya dahil sa malubhang karamdaman. Hindi pala siya nagpakasal at hanggang ngayon ay ako pa rin ang linalaman ng kanyang puso. Niyakap ko siya ng mahigpit at sinabing magpapakasal kami. Sa kabila ng kanyang kalagayan ay sumumpa kami sa Maykapal na kami’y magsasama sa hirap at ginhawa hanggang kamatayan. Pagkatapos noo’y isinuot ko na ang singsing na aking itinago para sa kanya. Sa mga sandaling iyon, hindi ko pinagsisisihan na naghintay ako sa kanya dahil siya lang ang aking mahal at siya lang ang babaeng gusto kong makasama na kahit sa konting panahon ay masasabi kong nagawa rin naming sumumpa sa harap ng Lumikha. Ilang sandali ang lumipas, sumaklob na ang kadiliman at tuluyan nang nilamon ang kaunting ilaw ng pag-asa na aming nakita. 

No comments:

Post a Comment